MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Sunday, May 22, 2016

Marinduque Vines: Ang Tatlong Bibe Mamaya sa Kapuso Mo Jessica Soho

Kapuso Mo Jessica Soho on GMA 7
Mga Ka-Marinduqueno, sabay sabay nating kilalanin at panoorin mamaya ang "Marinduque Vines" sa GMA 7, Kapuso Mo Jessica Soho, sa ganap na 7:45PM hanggang 9:00PM sa segment nitong "Ang Tatlong Bibe".

Ayon sa post ng Marinduque Vines "Ang Marinduque Vines po mandin, ay nasa Kapuso Mo Jessica Soho. Hindi po kami makapaniwala na ang Marinduque Vines ay mapapanood na sa GMA 7 sa Linggo ng gabi sa ganap na 7:45 hanggang 9:00. Ay tara daw ngani at manood kita. Noong nakaraang araw lamang po ay pinaluwas ng KMJS staff ng aming admin at miyembro ng Marinduque Vines patungo sa Maynila. Mahigit tatlong araw po silang nag shoot para sa segment na "Ang Tatlong Bibe". Ito po ay sinayaw ng MarinduqueVines. Gusto n'yo po baga sila makilala Parini at manood kita. Atingnan daw ngani natin!"

Narito ang pasilip sa kanilang videong kinagiliwang panonorin ng mga netizen.




Bisitahin din ang kanilang Facebook Page upang maging updated.

Posted by Romeo Mataac, Jr.