MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Friday, June 10, 2016

Lalaki sa Mogpog bumangga sa konkreto, patay

Photo courtesy: Cesar Malapad

6 Jun 2016 | 11:30AM – Report Update: Isang lalaki ang namatay on the spot matapos bumangga ang sinasakyan nitong motorsiklo sa isang konkreto sa Brgy. Sibucao Highway sa bayan ng Mogpog lalawigan ng Marinduque.

Sa panayam ng Marinduque News Online kay SPO3 Rodil Lupig ng Mogpog Municipal Police Station, kinilala ang biktima na si Joel Verdera, 35 years old at naninirahan sa Brgy. Nangka, Mogpog.

Ayon sa mga nakasaksi, nag motor exhibition diumano ang biktima na siyang naging sanhi ng pagbangga nito sa isang konkretong semento at nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.





Photos courtesy: